Five Poems [Part 3]

Kapanganakan ng Dalubhasa

ni Sheena Kristine Cases

 

Sa pagkabata siya’y lapastangan,

Maraming batas kanyang pinagdudahan.

Isang araw hinarap niya ang Takot

At tinanong niya nang direstahan,

“Ikaw ba’y may kapangyarihan?”

 

Marami ang namuhi sa kanyang tapang,

Matalas kasi ang bawat salitang binibitawan.

Walang galang sa reputasyon o yaman,

Hangad niya lamang mahanap –

Maraming kasagutan.

 

Kaya’t siya’y nahulog sa matarik na bangin.

Itinulak man o sariling pagkakamali,

Pagulong-gulong hanggat siya’y binalot,

Mula ulo hanggang paa, ng hiwa, dugo, pasa, at kahit nana.

At sa ‘tila matagal na panahon, nahimbing nang ulila.

 

Sa kanyang pagkagising, ‘tila siya bagong panganak.

Halos hubad, at basang-basa.

Nasa kanyang piligid, ang kanyang mga minamahal.

Siya pala ay hinanap at iniligtas.

Maraming bagay kanya nang naunawaan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s