Five Poems [Part 4]

Ang  Bugtonghininga ng Kabataan

ni Sheena Kristine Cases

 

Sa ating murang edad, ‘tila tayo mga anghel.

Nais nating tumulong, nais nating magmahal.

Ang mga sarili’y hindi talaga dinadamdam,

Makita lamang ang ina o ang ama na nagiginhawaan.

Isang malaking pangarap ang ating taglay,

Kahit ang ating munting puso’y di kayang amuhin,

Nagpupumiglas ito sa ating paghahangad

Na pangitiin ang ating abang Bayan.

Ngunit bigla-bigla ang bagyo’y dumadating,

Unti-unting pinapapait ang ating lambing,

Ang ningning ng mata’y pinagtatago,

Sa kailaliman ng kuweba ng siphayo.

Iyan ang bugtonghininga ng kabataan –

Kailan ba aking malayang maipadadama,

Sa aking Diyos, Bayan, pamilya’t mga kaibigan,

Wala na akong ibang hangad, kung hindi mahalin ka lamang.

Ito’y hindi para sa akin. Hindi para sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s