Story: Sigrid [Part 1]

Lahat na. Basta yata masakit, naranasan na ni Sigrid. Hindi naging madali para sa kanya ang mabuhay sa mundo. Bata pa lang ay namulat na siya sa samu’t saring kahirapan dito sa mundo. Lumaki siya sa isang squatter’s area kung saan walang kasiguraduhan ang kanyang kaligtasan. Maaari niyang hanapin ang kasiyahan sa likod ng kaguluhan na kanya namang unti-unting natutunang pakisamahan sa kanyang paglaki, ngunit iba pa rin ang makitang may matandang sakitin, o kapwa batang umiiyak, o pagkaing madumi at nakakalat na lamang.

Masipag naman ang mga magulang niya. Ang kanyang nanay, gumagawa ng mga basahan. Ang tatay, isang kargador sa malapit na palengke. Minsan, makikita niya ang mga itong masaya, ngunit kadalasan, problemado pa rin. Madalas, kahit ano ang sipag ni nanay at tatay, kulang pa rin ang kanilang paggasta sa pang araw-araw. Nakita na niyang batuhin ng kawali ang kanyang nanay ng kanyang tatay. Maaga pa rin sa kanyangbuhay ay narining na niya ang mga kakaibang salita na mura pala kung tawagin. Sigawan dito, sigawan diyan.

Hindi iyon naging madali lahat para kay Sigrid. Mahal niya pa naman nang sobra ang kanyang nanay ngunit madalas iya itong nakikitang umiiyak. Madalas, may mga dugo sa gilid ng labi, may pasa sa braso, nanginginig ang mga kamay habang siya ay pinapatahan din sa pag-iyak.

Lahat nang iyon nakasugat pa rin sa kanyang puso hanggang ngayon.

Ngunit nasa Bulwagang Quezon na siya ngayon ng U.P. Diliman. Hindi niya alam kung paano siya nakapunta doon matapos ang maraming taon. Pero gagraduate na siya sa kursong B.A. Journalism. Nasa harap niya ang class valedictorian na nagtatalumpati. Kaharap niya rin ang libo pang ibang magtatapos, at kasama namang nakaupo sa kanilang lugar ang mga matataas na opisyal ng U.P., at ang mga kapwa niyang “alien” kung tawagin ng karamihan.

Ito na ang bagong simula para sa kanya. Ito na ang tadhanang matagal nang itinakda.

Ito ang kwento ni Sigrid, and Summa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s