Kailangan nga bang pumili?

Ako’y sumubok na sumali sa pinakamahabang palihan sa Pilipinas, ang Palihang Lira. Lamang, halata namang hindi talaga ako isang manunulat. Wala akong masyadong alam sa pagtula, maging sa mga pamantayan sa pagsulat.

Maraming mga konsiderasyon bago ka masabing isang makata. Ako ay siguradong hindi ako isa sa mga makata. Ang dami ko pang hindi alam.
Ngunit ang sigurado ako, ako man ay isa ring alagad ng Agham, ayaw kong malimutan ang aking kultura o ang kamalayan ng aking Bayan.

Ngunit lubos na mahirap. Taon ko na ng paggawa ng thesis pasa sa Demograpiya. Dumarating rin ang mga pagsubok pinansyal sa aming pamilya. Kaya’t di ko maiwasang isipin na kailangan kong pumili.

Ngunit kailangan nga ba? Isa ba itong bagay na kailangang piliin? Hindi ba’t ang kultura’y parte na ng ating dugo? Ipinanganak pa lang ako ay nariyan na siya. Isa ba itong bagay na kailangang ipagpalit?

Isyu ba ito ng “timing”? O ng “priority”?

Kahit si Rizal ay hindi pumili. Hindi niya sinabing doktor ako kaya ititigil ko ang pagsulat. O siyentipiko ako kaya ititigil ko ang pagsulat. Bagkos tila sinabi niya na “kahit ako ay maraming bagay, patuloy kong payayabungin ang ating Wika”.

Para sa akin, ang Kultura ay dugo. Ngunit saan ko kukunin ang lakas upang diskubrehin muli ito habang maaga pa? Kaya ako may Diyos. Ang Kultura ko ay may Diyos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s